Director says AlDub phenomenon started as an ‘accident’

Director says AlDub phenomenon started as an ‘accident’

58
SHARE

By ROSE GARCIA
August 9, 2015 2:33pm

Dahil sa dami ng followers nila sa social media, pati na rin ang milyun-milyong sumusubaybay sa telebisyon, masasabing “phenomenal” ang pagsikat ng “AlDub loveteam.”

Pero paano nga ba nagsimula ang lahat ng ito?

Ayon kay Direk Mike Tuviera ng APT Entertainment Inc., wala raw silang ideya na ganito ang mangyayari.

“On our side, in terms of APT, Eat Bulaga, and TAPE, it was all an accident, really. Kami, we are really, really very thankful. Yung gratitude rin naman po na nararamdaman namin is overflowing. Kasi it was not planned. It was not planned at all.”

“It was born from the moment that the staff found out that in real life, Yaya Dub had a crush on Alden. No one knew that.”

“Alden was already having lunch and he was done for the day kasi, nasa “Juan For All [All for One]” na. Noong nalaman nila yun, nilabas nila si Alden na kumakain, sabi niya, ‘Sige po, sige po.'”

“Nilagay nila si Alden sa front row, sabi nila, ‘Diyan ka lang Alden, pa-guwapo ka, tingnan nga natin.’

“Si Alden, ‘yun na, nag-wave na siya. Nung na-insert na, tiningnan namin ang reaksiyon, so that’s all. It was all an accident,” pag-amin niya.

AlDub’s fanbase. Hanggang ngayon, marami pa rin ang hindi naniniwalang hindi pa nagkikita sina Alden at Maine (Yaya Dub).

Si Alden mismo ang nagsasabi na ni dulo ng daliri ni Yaya Dub ay hindi pa niya nakikita, ngunit hindi talaga nagpapaawat ang fans ng tinaguriang isa sa pinakapatok na loveteam ngayon sa telebisyon.

Kuwento ng APT director, “Naikuwento lang sa akin ni Tatay [Eat Bulaga co-founder and APT boss Tony Tuviera] last Saturday, sabi niya sa akin, it’s been a while since they saw the size of the crowd outside Broadway Centrum.”

“Palagi naman siyempre, of course, may fan base na ang Eat Bulaga. Palaging maraming tao. Unfortunately, not everyone in line can get into Broadway. So maraming nakapila roon.”

“Kapag hindi nakapasok, unfortunately, uuwi na lang sila. Pero ngayon, walang umuuwi kasi hinihintay nilang tatakbo si Alden palabas. Ngayon, ang dami, batalyon ang nasa labas na hindi makapasok pero ayaw nilang umuwi. Paglabas ng mga producers, nakita nila na lahat daw, naka-placard na AlDub at Alden.”

“Actually, sinumbong nga nila sa akin, they had to ask Alden who I think at that time was already finished with the segment. Sabi nila, ‘Alden, can you please come out, kasi yung mga tao, walang umuwi, hinihintay nilang talaga. Pupuntahan nila si Yaya.'”

“That specific day, walang planong lumabas si Alden but the producers asked very kindly, I think, pa-lunch na siya nun, e, ‘tapos sabi, ‘Alden puwede bang lumabas ka?’ ‘Tapos yun, naghiyawan.”

“Actually, these are the kinds of things na hindi natin masyadong nakikita sa broadcast. Sabi nga, if you saw the guys in the studio sa Bulaga live when it happened, grabe, para siyang concert sa lakas ng hiyaw ng mga tao.”

“Sayang nga kasi sa broadcast, hindi natin masyadong naririnig ang hiyawan ng mga tao but it’s really different when you’re there, lalo na kapag lahat ng mga tao nasa labas, we haven’t seen that for a long time. Grabe talaga.” — Pep.Ph